Aabutin ang tadhana✨

00:00
0:00
skip_previous
play_arrow
skip_next
volume_up

Wednesday, January 14, 2026

Chasing In The Wild

 



  

Sta. Lucia High School


#30 Tramo ST. Rosario Village, Sta. Lucia High School, Pasig City


“Chasing In The Wild”


Ni 4reuminct


Lifebooks is an imprint of Act 29 Publishing 2025


Isang Suring-Aklat (Book-Review) na iniharap


Kay G. Danilo P. Agpaoa, LPT

Bilang isa sa mga Pangangailangan sa Kursong Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.


Ipinasa ni: Lipalam, Dhave Cedrick L.


G11-ICT 3 (TORVALDS)

Enero 12 2025



I. PANIMULA


A.TITULO


          Pamagat na Chasing In The Wild na pinili ni 4reuminct para Sa kanyang libro ay sumasalamin sa tema ng kwento, Ang “Chasing in the Wild” ni 4reuminct ay tungkol sa isang tao na patuloy na hinahabol ang kanyang mgapangarap kahit maraming problema at pagsubok. Ipinapakita dito kung paano siya lumalaban sa takot at pagdududa sa sarili para maabot ang gusto niyang mangyari sa buhay. Para sa akin, maganda ang mensahe nito dahil nagbibigay ito ng inspirasyon sa mga estudyante na huwag sumuko kahit mahirap ang pinagdadaanan. Madaling intindihin ang kwento at nakakarelate ang marami, lalo na ang mga kabataan na may pangarap din sa buhay.



B. URI NG PANITIKAN/GENRE


                Ang Chasing in the Wild ay kabilang sa nobela o novel, isang uri ng panatikan na mahaba at may maraming tauhan at eksena. Ito rin ay romantic fiction o kwentong pag-ibig dahil sentro sa kwento ang relasyon nina Sevi at

Elyse at kung paano nila hinaharap ang kanilang damdamin at mga pagsubok. Bukod sa pag-ibig, makikita rin sa kwento ang tema ng pagkakaibigan, pamilya, at buhay-estudyante, kaya mas malawak ang naiibahagi nitong aral sa mga mambabasa. Mahalaga ang genre na ito dahil nagbibigay-daan ito sa mambabasa na makarelate sa mga tauhan at sa kanilang karanasan. Ipinapakita rin nito kung paano nakakaapekto ang pagkakaiba ng pinagmulan o estado sa buhay sa ibang tao. Sa madaling salita, ang kwento ay hindi lang tungkol sa pag-ibig, kundi pati sa pagtuklas ng sarili, pagpapahalaga sa kaibigan at pamilya, at pagsusumikap para sa pangarap—mga bagay na makikita sa buhay ng mga kabataan ngayon.


C.PAGKILALA SA MAY AKDA


          Ang may-akda ng Chasing in the Wild ay si 4reuminct, isang manunulat na kilala sa paggawa ng mga kwentong pampag-ibig at tungkol sa buhay-estudyante sa mga kabataan. Kadalasan, ang kanyang mga kwento ay unang inilalathala sa online platform tulad ng Wattpad, kung saan maraming kabataan ang nakakabasa at nakakarelate sa kanyang mga isinulat. Si 4reuminct ay mahilig gumawa ng mga kwento na madaling basahin at maintindihan, kaya ang naaaliw at natututo sa kanyang mga libro.


II. PAGSUSURI NG NILALAMAN NG AKDA


C.TAUHAN, TAGPUAN AT PANAHON


TAUHAN


Sevi / Sebastian “Sevi” Vincent Camero


         - Si Sevi ang pangunahing lalaking tauhan sa kwento. Isa siyang varsity

basketball player at masipag na estudyante. Lumaki siya sa simpleng pamilya kaya sanay siya sa hirap ng buhay. Dahil dito, responsable siya at marunong magsikap para sa kanyang mga pangarap. Sa umpisa, tahimik at seryoso siya, at minsan ay hirap magpakita ng emosyon. Pero habang tumatagal ang kwento, makikita na mabait siya, maalaga, at handang magsakripisyo para sa mga taong mahal niya, lalo na kay Elyse.


Amora Elyse Ledezma (Elyse)


          Si Elyse ang pangunahing babaeng tauhan. Galing siya sa mayamang

pamilya at kilala bilang isang cheerleader sa unibersidad. Sa una, iniisip ng iba na spoiled siya at puro saya lang ang alam, pero sa totoo lang ay may mabuti siyang puso. Siya ay masayahin, madaldal, at palakaibigan. Marunong din umunawa at magmahal nang totoo. Malaki ang naging epekto niya sa buhay ni Sevi dahil tinulungan niya itong maging mas bukas at mas masaya.


Larkin “Arkin” Olivier Sanchez

             Si Arkin ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Sevi. Siya ang tipo ng kaibigan na laging nandiyan kapag may problema.Madalas siyangnagbibigay ng payo atsuporta kay Sevi, lalo na sa mga desisyon nito sa buhay at pag-       ibig. Kahit hindi siya ang bida, mahalaga ang papel niya dahil isa siya sa dahilan kung bakit hindi

sumusuko si Sevi.


Ida


              Kaibigan ni Elyse; Isang totoong kaibigan na handa kang samahan sa hirap at ginhawa.


Ciandrei “Shan” Kyle Lopez


              Kapatid o kaibigan ni Elyse; Mabait at protektib na kuya, Panganay na kapatid ni Elyse .


Louisse “Luna” Valeria


              Kaibigan din ni Sevi at bahagi ng barkada. Siya ang madalas magbigay ng payo lalo na sa mga usaping pag-ibig. Caring siya at madaling kausap.


Ashianna “Yanna” Fernandez


              Isa rin sa kaibigan ni Sevi. Tahimik minsan pero supportive. Nandiyan siya para makinig kapag may problema ang barkada.



TAGPUAN


1. Unibersidad / Paaralan

           Dito nangyayari ang karamihan sa mga pangyayari sa kwento. Sa paaralan nag- aaral sina Sevi at Elyse at dito rin sila unang nagkakilala at nagkausap. Makikita sa lugar na ito ang kanilang mga klase, barkada, at mga gawain bilang estudyante. Mahalaga ang tagpuang ito dahil dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at unti-unting pag-iibigan. Ipinapakita rin dito ang buhay-estudyante tulad ng exams, projects, at activities.


A. Basketball Court

       Ito ang lugar kung saan nag-eensayo at naglalaro si Sevi ng basketball.Mahalaga ang tagpuang ito dahil dito makikita ang sipag at dedikasyon ni Sevi sa kanyang sport. Ipinapakita rin dito ang kanyang pangarap at kung paano siya nagsisikap para maging magaling na player. Minsan, dito rin nagaganap ang mga eksena na may pressure at problema sa team.


B. Cheerleading Area / Gym


        Ito naman ang lugar kung saan nag-eensayo si Elyse bilang cheerleader. Dito makikita ang kanyang talento at ang pagiging masipag niya sa ginagawa niya.Hindi lang siya puro saya, kundi may disiplina rin siya sa pag-eensayo. Ipinapakita ng tagpuang ito na may sariling mundo at pangarap si Elyse.


C. LADEZMA COMPANY


             Ang pamilya ni Elyse ay may malalaking negosyo tulad ng kumpanya at iba’t ibang business establishments. Kadalasan ito ay nasa business district o sentrong pangnegosyo. Dito makikita kung gaano sila kayaman at

kaimpluwensya. Minsan, dito rin nagaganap ang mga eksena na may kinalaman sa pressure at responsibilidad ni Elyse bilang tagapagmana ng negosyo.



D. PANAHON


             Ang librong Chasing in the Wild ni 4reuminct ay isinulat sa panahong moderno, malamang sa huling bahagi ng 2010s hanggang unang bahagi ng 2020s. Karaniwan, ang mga ganitong kwento ay unang inilalathala sa online platforms tulad ng Wattpad, bago ito naging isang pormal na libro. Sa panahong ito, maraming kabataan ang gumagamit ng internet at social media, kaya madali nilang natuklasan at nabasa ang kwento. Mahalaga rin ang panahon ng paggawa ng libro dahil makikita rito ang kultura at karanasan ng mga kabataan sa modernong buhay-estudyante. Ipinapakita ng kwento ang mga karanasan sa unibersidad, pagkakaibigan, pag-ibig, at pakikisalamuha sa pamilya at kaibigan—mga bagay na karaniwan sa kabataan ngayon. Sa madaling sabi, ang panahon ng paggawa ng librong ito ay tumutulong sa mambabasa na mas maunawaan ang buhay ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon at makarelate sa mga karanasan ng mga tauhan.



E. ESTILO NG PAGSUSULAT NG MAY AKDA

              Ang estilo ng pagsusulat ni 4reuminct sa Chasing in the Wild simple at madaling maintindihan. Parang nagkukwento siya na kausap mo lang ang mga tauhan, kaya madaling maka-relate ang mambabasa. Ginagamit niya ang third-person point of view, kaya nakikita natin ang iniisip, nararamdaman nina Sevi at Elyse. Marami rin siyang dialogue o usapan ng mga tauhan, kaya buhay at natural ang kwento. May halong drama at comedy, kaya hindi boring at masaya ring basahin. Sa madaling sabi, magaan basahin  kwento pero ramdam mo ang damdamin at relasyon ng mga tauhan.Dahil sa estilo nya sa pagsulat ay mas sumikat at maraming naka relate sa kanyang mga librong isinulat madaling maunawaan at maganda ang mga nasulat niya patungkol sa mga tauhan na naka re-relate ang mga mambabasa.



III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


A. KAKINTALAAN/KAISIPAN


               Ang Chasing in the Wild ay kwento tungkol sa paghahanap ng sarili

at pag-abot sa mga pangarap kahit maraming pagsubok at hamon sa buhay. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang determinasyon at pagsusumikap para makamit ang gusto natin. Sa kwento, makikita rin kung paano nakakatulong ang pagkakaibigan at suporta ng pamilya at kaibigan sa pagharap sa problema at sa pagbuo ng magandang relasyon sa ibang tao.

Bukod dito, itinuturo rin ng kwento ang kahalagahan ng pagtitiwala at pagmamahal sa isa’t isa. Natututo ang mga mambabasa na kahit magkaiba

ang pinagmulan o estado sa buhay, puwede pa rin tayong magkaunawaan atmagpakita ng malasakit sa ibang tao. Pinapakita rin na mahalaga angpagiging totoo sa sarili at sa nararamdaman natin, lalo na sa pag-ibig at

pakikipagkaibigan, para mas masaya at makabuluhan ang ating buhay.



B. KULTURANG MASASALAMIN


                Sa Chasing in the Wild, makikita ang kulturang kabataan sa unibersidad o kolehiyo sa Pilipinas. Ipinapakita dito kun pano nakikisalamuha ang mga estudyante sa kanilang mga kaibigan, kaklase, at sa mga extracurricular activities tulad ng basketball, cheerleading, at mga school events. Makikita rin ang kultura ng pagkakaibigan at pagiging close

sa barkada, kung saan mahalaga ang suporta, tiwala, at pagmamalasakit sa

isa’t isa. Minsan, may halong drama at tawa ang kanilang mga karanasan,

kaya mas relatable ito sa mga kabataan. Makikita rin sa kwento angkulturang pang-pamilya sa Pilipinas. Ipinapakita ang pagmamalasakit at sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak, at kung paano naiimpluwensyahan ng pamilya ang pag-uugali at desisyon n mga tauhan. Halimbawa, ang simpleng pamumuhay ni Sevi ay nagmumula sa kultura ng pagiging masipag at mapagpakumbaba, habang ang marangyang buhay ni Elyse ay nagpapakita ng kultura ng mayayaman at ang responsibilidad sa pamilya at negosyo. Sa kabuuan, ipinapakita  ng kwenta   ang mga pinapahalagahan ng kabataan at pamilya sa lipunang  Pilipino—ang pagkakaibigan, pagmamahal, suporta, at pagiging totoo sa sarili.



IV. LAGOM


           Ang Chasing in the Wild ay kwento tungkol kay Sevi, isang masipag na studyante at varsity basketball player, at kay Elyse, isang masayahin at

mahusay na cheerleader mula sa mayamang pamilya. Sa simula, magkaiba

ang kanilang mundo—si Sevi ay simple ang pamumuhay, habang si Elyse ay

may marangyang buhay. Ngunit habang tumatagal ang kwento, nagsimula

silang magkakilala at maunawaan ang isa’t isa. Sa kanilang pagkakaibigan, unti-unti rin silang nahulog sa isa’t isa at natututo kung paano magmahal ng totoo. Bukod sa kwento ng pag-ibig, ipinapakita rin ng libro ang kahalagahan ng pagkakaibigan at pamilya. Makikita kung paano nakakatulong ang suporta ng mga kaibigan sa pagharap sa problema, at kung paano ang pagmamahal at sakripisyo ng pamilya ay nakakaapekto sa mga desisyon ng bawat tauhan. Pinapakita rin ng kwento ang kabataan sa unibersidad—ang kanilang mga pangarap, pagsubok, at mga masasayang karanasan sa buhay-estudyante. Sa kabuuan, ang kwento ay nagbibigay ng inspirasyon samga mambabasa na huwag sumuko sa pangarap, maging totoo sa sarili, at pahalagahan ang pagkakaibigan at pagmamahal sa ibang tao



V. MGA REACTION AT MUNGKAHI


            Bilang isang mambabasa masasabi kong isa ito sa pinakamagandang

wattpad book na nabasa ko dahil sa mga pangyayari na katulad sa buhay sa realidad.Ang libro na ito ay maraming aral sa buhay na kahit anongmangyari ay huwag susuko sa buhay kundi gawin itong lakad at motibasyon sa buhay sukatan ito ng pagiging matatag





No comments:

Post a Comment

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

             ​ Girl,  Boy, Bakla, Tomboy” is a 2013 Filipino comedy film directed by Wenn V. Deramas and produced by Star Cinema and Viva Fi...